Si Mang Kanor
“Bal..ooot”, ang malakas na sigaw ni Mang
Kanor tuwing gabi sa kalye ng Sto. Pedrino upang magbenta at maghatid ng
sariwang balot sa bawat tahanan. Matiyaga niyang nilalakad at binabagtas ng
kanyang maliliit na paa ang kalye, tila hindi niya alintana ang dilim at
panganib na nakaadya sa kanya. Madalas ko siyang makita tuwing umaga kapag
dumaraan ako sa isang maliit na barung-barong patungong palengke, nilalaga na
ang kanyang mga itinitinda.
Kitang-kita sa kanyang mga bilugan at maiitim na
mata ang kanyang kasipagan, maging sa kaniyang katawan ay halata na
ipinagpapaliban niya ang pagkain para sa kanyang trabaho. Hindi pansin ang
katandaan ni Mang Kanor dahil sa kanyang sipag at tiyaga. Tinitingala siya sa
ng mga kapit-bahayan dahil sa kaniyang pagsusumikap na maiahon ang kanyang
nagiisang anak sa kahirapan. Iniwan siya ng kanyang asawa kasabay ng pagiiwan
sa kanilang anak, nag-iisang nagtaguyod para sa kanilang anak.
Isang araw ay
nakita kong naparaan siya sa mga nag-iinumang tambay tila hindi siya kilala ng
mga iyon siya sapagkat mukhang bago ang kanilang mga pagmumukha sa aming kalye.
Niyaya siyang uminom ng alak ng mga nag-iinuman ngunit nang siya’y tumanggi ay
napagdiskitahan siya ng mga ito. Ang isa sa kanila’y may dalang balisong na
agad sinaksak si Mang Kanor. Ang iba’y kinuha ang dala-dalang basket ng balot
ni Mang Kanor at sabay na nagtakbuhan.
Kitang-kita ng aking mga mata ang mga
pangyayari, ang madugong eksenang iyon ay nagpalambot sa aking katawan. Hindi
ko alam ang gagawin, natataranta ako ngunit dahil sa mga nangyari ay tinawag ko
ang aking ina upang humingi ng tulong sa barangay. Agad na dumating ang mga
opisyales ng barangay kasama ang ilang mga pulis na huli na sa eksena,
nagpadala sila ng ambulansya at inihatid siya sa malapit na ospital. Napaansin
ko na lamang na umiiyak ang aking ina, humahagulhol siya sa kaiiyak marahil
dahil sa nakita niyang duguang Mang Kanor ngunit may isa pa palang malalim na
dahilan. Ipinagtapat niya na siya ang naging unang asawa ni Mang Kanor.
Comments
Post a Comment