Barangay Pag-Asa: Lugar ng Dalawang Katauhan
Sa lalawigan ng Laguna, sa Barangay Pag-asa matatagpuan ang halos iba’t-ibang uri ng tao. Iba’t-ibang itsura, edad, kasarian, trabaho, pananamit at katyuan sa buhay. Sa bawat minuto iba’t-ibang tao ang makikitang naglalakad sa lugar na ito, iba’t-ibang tao at iba’t-bang personalidad. Salugar na kung saan makikita ang kapwa kayamanan at kahirapan; teknolohiya at tradisyon; industriyalisasyon at kalikasan na maituturing na magkakambal–na nakagisnan ng mga tao sa bawat pagpunit ng mga dahon ng panahon.
Isang estudyante ang nagpatunay nito si Margarito, 21 taong gulang; katutubong T’boli na nakipagsapalaran sa buhay sa kapatagan. Halata ang kanyang pagiging etniko dahil sa kanyang natural na anyo – sa kanyang buhok, kulay at mukha. Nanirahan siya sa kanyang tiyahin sa Laguna, lumayo sa kanyang tahanan sa bundok at sinimulang tapusin ang kanyang pag-aaral at kamtin ang kanyang mga pangarap – ang makatulong sa kanyang pamilya at sa kanyang bayan na sinilangan. Natanaw niya ang iba’t ibang personalidad ng tao – mga taong naging bahagi ng kanyang. At sa kanyang pamamalagi sa lungsod ay nakasanayan niya ito. Di lumaon ay nag-iba ang kanyang pananalita, nahasa ang kanyang talino at naimpluwensyahan na siya ng mga bagay sa lungsod.
Bata pa lamang ay nais ng maging guro ni Margarito, naging inspirasyon niya ang kanyang guro na si Gng. Carlota na iniaalay ang kanyang buong puso at buhay sa pagtuturo sa mga bata katulad niya. Sa kanyang pag-aaral at pagsubsob ng sarili sa edukasyong pormal ay nagingsandigan niya ang kanyang inspirasyon kaya’t naging desidido siyang kuhain ang kursong BS Education Major in English.
Bagama’t naging mahirap ang buhay niya dahil sa pinansyal ay naging kasagutan ang mga scholarship at pagiging working student niya sa isang fastfood chain tulad ng isang tipikal na estudyante dumaan siya sa di birong pagsubok ng pag-aaral at pagtatrabaho at sa parehong luma at bagong istilo ng pagtuturo–pagmememorya, pag-aanalisa, at pag-iintindi. Nang lumaon at makatapos siya ay nagpasalamat siya sa kanyang tiyahin at bumalik sa kanyang pinagmulan – ang kanyang dating tahanan. Subalit iba ang naging turing sa kanya ng mga kapatid tila isang bisita na di nila kilala at ngayon lamang nila nakita. “Kamusta ka na, Intoy may dala akong mga laruan dito. Halika!” wika ni Margarito
“Wag kang lalapit sa kanya Intoy” utos ni Fernando, ang 13 taong gulang niyang kapatid. “Ano ba? Fernando, narito na ako.” wika ni Margarito “Tingnan mo ang sarili mo ingko, ikaw ba talaga iyan nahawa ka na sa mga walang awang taga-patag T sa iyong pananalita’t kasuotan. Nasaan ka ng hinanap ka namin, wala ka rito…Nasaan ka ng mamatay si Apo Teddek, si Amang at ng nagkasakit si Inang.Wala ka rito at bakit babalik ka pa? Mas inuna mo ang sarili mong adhika at itinapon mo ang iyong pagiging T’boli, itinakwil mo na kami. Umalis ka na. Hindi ka namin kailangan ingko.” Pasigaw na winika ni Fernando kasabay ang mga luhang unti-unting pumapatak sa kanyang mga mata.
Comments
Post a Comment